Ako ay isang Pinoy at ito ang mga dugong sa aki’y dumadaloy. Sa kahit saan man ako mapadpad tila ako ay palaging lilingon sa aking pinagmulan.Hinding hindi ikakahiya kung saan ako ngmula. Matuto man ako ng mga bagong pananalita ngunit ang wikang Pilipino ang mananatili sa aking puso. Makalimutan ko man itong bigkasin, ngunit sa aking isipan ito pari’y maiintindihan. Mga nakasanayang kaugalian pilit na ipapakita sa iba na ito ay katangi tangi. Makikita ng mga ibang lahi na sa ating puso dala dala natin ang pagka Pilipino sa kahit saan man mapunta sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating pusong balot ng kabutihan.