Mas pipiliin mo bang makisayaw sa kanta ng buhay? Mas gugustuhin mo bang sumabay sa agos ng panahon? Hahayaan mo ba ang sarili mong maki adapt sa kung ano ang nasa paligid mo? Oo masaya ang maging malapit sa mundo. Masaya na marami kang kilala na kapareho ng mga gusto mo. Pero may hangganan ang lahat. May hangganan kung ano ang gagayahin at kung ano ang iyong pipiliin na maging katulad. Hindi dahil nakita mo ang kabarkada mo na nagiinom, makikiinom ka. Hindi dahil naninigarilyo ang mga kaibigan mo, makikisigarilyo ka. Hindi dahil nakita mo ang kaibigan mo na gumagamit ng bawal na gamot, makikigamit ka. Hindi dahil mga tao sa paligid mo ay nakikipagsex o nakikipaghalikan gagawin mo na din ito.
Have your own identity. Hindi lahat ng sa tingin nila ay cool dapat mo na din itong gawin. Kabarkada mo sila, kaibigan pero may hangganan ito. Matuto kang umiwas sa tingin mo ay mali at sa tingin mo ay makakasakit ng damdamin ng iyong magulang. May isip ka di dahil para gayahin ang mga ginagawa nila kundi gumawa ng sarili mong mga desisyon. Mga desisyon na mahirap ngunit may pupuntahan. Maging isang tao na may sariling prinsipyo at may sariling paninindigan.
You may not win the world, but you will win the hearts of the people that believes in you.
(Source: simplyehrika)
missclassicglamour
2.27.12